Pinas, Turkey magtutulungan na palakasin ang turismo, kalakalan

MANILA, Philippines- Nagkasundo ang Pilipinas at Turkey na magtutulungan sa magsaliksik ng  “wide prospects” upang palaguin ang kani-kaniyang trade at tourism sectors ng dalawang bansa.

Sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Huwebes na nakipagpulong si Philippine Ambassador to Turkey Maria Elena P. Algabre sa Governor ng Ankara na si Vasip Şahin noong Nobyembre 2.

Tinlakay ng mga opisyal ang pagbuo sa kultural at ekonomikal na kooperayon sa pagitan ng dalawang bansa.

“Ambassador Algabre and Governor Şahin agreed on the wide prospects for the growth in trade and tourism between the two countries,” pahayag ng DFA.

“The Ambassador cited the Philippine Embassy’s ongoing engagement with relevant Turkish business organizations and its participation in trade and tourism fairs in Turkey,” dagdag pa nito.

Kinuha rin ni Algabre ang pagkakataon na ipaabot ang pagbati kay Şahin sa ika-98 na anibersaryo ng pagkakatatag ng Republic of Turkey, at pinuri ang importanteng papel ni Ankara bilang pinuno ng gobyerno.

Ipinahayag din niya ang kanyang pasasalamat sa tulong ng Turkey sa Pilipinas sa mga hakbang ng huli upang siguruhin ang sustainable peace at development sa Mindanao at pinasalamatan din ang governor sa pagtanggap sa nasa 700 na Pilipino sa cosmopolitan capital ng  Ankara, Turkey. RNT/SA



Pinas, Turkey magtutulungan na palakasin ang turismo, kalakalan
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento