inaabangan!
Role ni Sharon sa Ang Probinsiyano, inaabangan!

Quezon City, Philippines – Naglabas ang Dreamscape, producer ng “FPJ’s Ang Probinsyano” para sa Kapamilya network, ng teaser na ang text ay ganito: “Sa pagpapatuloy ng ika-6 na anibersaryo ng #FPJsAng Probinsyano, siguradong MEGAganda pa ang gabi niyo! Abangan!”
Sinadyang i-allcaps ang MEGA, ‘di ba?
Isang showbiz idol lang naman ang may bansag na “Mega” dito sa bansa, ‘di ba? Kaya mahirap nang pagdudahan na si Sharon Cuneta ang pinaaabangan sa madla!
Siyempre pa ay ‘di naman magkakalakas ng loob ang network executives na maglabas ng ganu’ng klaseng teaser kung hindi pa nila napapapirma ng kontrata ang megastar.
Ang balita ay kung walang magbabago sa plano, magsisimula nang mag-taping si Sharon para sa Ang Probibsyano ni Coco Martin ngayong Nobyembre.
Ipinagdiwang ni Coco ang 40th birthday n’ya nu’ng Lunes, November 1. Ito ang dahilan kaya pahinga muna sa taping ang cast at production staff ng show na anim na taon nang napapanood sa telebisyon.
Ipagpapatuloy ang lock-in taping ng show sa November 14, at nakaiskedyul si Sharon na magsimula nang magteyping.
Ang dapat abangan ay kung ano ang magiging papel ni Sharon: kakampi ba o kalaban siya ni Ricardo Dalisay? ‘Di pa rin naibubunyag kung gaano kahaba ang kontrata ng megastar. Danny Vibas
Role ni Sharon sa Ang Probinsiyano, inaabangan!
Source: Filipino Pinoys
inaabangan!
Philippines news
Pinoy Trending
politics
Role ni Sharon sa Ang Probinsiyano
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento