NAKATATAKOT
POSIBLENG PAGLOBO MULI NG COVID-19 CASES, NAKATATAKOT

DAMA natin ang pagkadismaya ng ilan nating kaibigan sa pagsasara ng mga sementeryo sa araw mismo ng All Saints Day.
Bago pa man ang pagsasara, nabigong dumalaw ang isa sa puntod ng kaniyang mga mahal sa buhay dahil sa dami ng trabaho.
Dagdag sa kanyang kuwento, babawi na lamang daw siya sa ibang okasyon.
Hayyy, ano pa ba ang magagawa natin sa ngayon mga dear readers kung hindi ipagpatuloy ang pagiging pasensyoso at pasensyosa sa pagtalima sa mga regulasyon.
Aba, baka marami ang nakalilimot sa biglaang paglobo ng kaso ng COVID-19 matapos ang holiday season noong nakaraang taon.
Hindi ba’t tinamaan din ng naturang sakit at namatay sa cardiac arrest ang ating idolong si Claire Dela Fuente noong March 30, 2021?
Isa sa maaaring dahilan ng paglobo ang patuloy na pagsuway sa panuntunan ng ilan nating mga kababayan.
Maaari ring ikonsidera ang kakulangan ng resources, kawalan ng determinasyon at pagkukulang ng ilang local government unit sa implementasyon ng mga panunutunang sasawata sa sakit.
Isang halimbawa ang nangyari sa Lungsod Quezon na pinamumunuan ni Mayor Joy Belmonte.
Base sa November 2, 2021 COVID-19 tracker ng Department of Health, nakapagtala na ito ng kabuuang bilang na 174,556 kaso ng sakit na pinakamalaki sa kategorya ng probinsiya at siyudad. Subalit kamakailan lamang, nagdagsaan at nagkumpulan ang mga tao sa tanggapan ng lungsod dahil nagtakda ang pamunuan nito ng deadline para lang sa application ng livelihood program.
Maaari namang gawin ang mga ganitong aktibidad at may paraang mas makabubuti. Ikonsidera sana ni Mayor Joy ang implementasyon ng HIRAC o hazard identification, risk assessment and control upang maiwasan ang kumpulan. Magdagdag din ng safety officers para mamonitor ang programang pangkaligtasan.
Mas maganda siguro kung may mobile apps para ma-eliminate ang hazard at posibleng exposure sa virus.
Bukas po ang kolum na ito para sa panig ni Mayor Joy Belmonte.
Mag-ingat po ang lahat sa mga darating pang okasyon!
POSIBLENG PAGLOBO MULI NG COVID-19 CASES, NAKATATAKOT
Source: Filipino Pinoys
NAKATATAKOT
Philippines news
Pinoy Trending
politics
POSIBLENG PAGLOBO MULI NG COVID-19 CASES
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento