NAGLUNSAD NG PABAHAY PARA SA MGA EMPLEYADO
PAG-IBIG FUND AT MUNTINLUPA, NAGLUNSAD NG PABAHAY PARA SA MGA EMPLEYADO

NAGTULONG ang Pag-IBIG Fund at Local Government of Muntinlupa sa paglulunsad ng isang proyektong pabahay sa ilalim ng “Countryside Housing Initiative” na para sa mga empleyado ng nasabing lungsod.
Ang BALAI Munti Housing Project na bubuuin ng 35 medium-rise building na may 668 condominium units, ay maaaring makuha sa pamamagitan ng housing loan sa Pag-IBIG Fund.
Katuwang din ang Department of Human Settlements and Urban Development sa programa na alinsunod sa housing agenda ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Dahil nasa ilalim ng countryside housing initiative ay nasa halagang P750,000 na lang ang bawat unit na ang orihinal na presyo ay P1.2 milyon.
Noong taong 2020, sa gitna man ng pandemya ay pumasok sa partnership ang Pag-IBIG Fund sa siyam (9) na LGUs na umabot sa halagang P1.08B na katumbas ng 3,638 housing units.
-ooOoo-
SENADO HINIKAYAT NA MAAGANG IPASA ANG 2022 NATIONAL BUDGET
Matapos gawin ng House of Representatives ang trabaho nito na pag-aralan at ipasa ang national budget para sa taong 2022 na aabot sa P5.024 trilyon, hiniling ni deputy speaker Bernadette Herrera, Henerasyon party-list representative, sa Senado na paspasan din ang pag-apruba sa nasabing badget.
Pinasalamatan ni Congresswoman Herrera si Speaker Lord Allan Velasco ng Marinduque at si Congressman Eric Go Yap, ACT-CIS party-list representative, chairman ng Committee on Appropriations, para sa pagpapasa ng badget nitong October 25, dalawang araw na nauna kaysa sa takdang araw ng KAMARA.
Sinabi naman ni Senate president at vice president contender Vicente Sotto III na batay sa kalendaryo ng Senado, matatapos nito ang deliberasyon sa badget sa unang Linggo ng December 2021.
Ang committee on finance ng Senado na pinangungunahan ni Senator Juan Edgardo Angara ay kasalukuyan nang inihahanda ang committee report na nakatakdang simulang pag-usapan sa darating na November 8.
Para kay Congresswoman Herrera, napakahalaga na maipasa sa tamang panahon ang national budget para hindi maantala ang recovery program ng bansa mula sa COVID-19 global pandemic.
Isa ang economic recovery sa mga top priority ng national budget ngayong taong 2022.
PAG-IBIG FUND AT MUNTINLUPA, NAGLUNSAD NG PABAHAY PARA SA MGA EMPLEYADO
Source: Filipino Pinoys
NAGLUNSAD NG PABAHAY PARA SA MGA EMPLEYADO
PAG-IBIG FUND AT MUNTINLUPA
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento