Parak sa Western Mindanao patay sa COVID

Manila, Philippines – Patay ang isang pulis mula sa Western Mindanao dahil sa COVID-19, batay sa ulat.

Dahil dito, 124 na ang kabuuang bilang ng nasawi sa hanay ng Philippine National Police

Ayon kay PNP chief Police General Guillermo Eleazar, ang pumanaw na pulis noong Oktubre 17 ay 35 taong gulang dulot ng respiratory failure secondary to COVID-19.

Nakita sa medical record na mayroong mild symptoms ng COVID-19 ang pulis noong Oktubre 3 at nagpositibo sa COVID makaraan ang 11 na araw.

Samantala, nakiramay naman si Eleazar sa pamilya ng pulis. RNT/FGDC



Parak sa Western Mindanao patay sa COVID
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento