Manila, Philippines – SINABI ni Presidential Spokesperson Harry Roque na personal niyang kakausapin ang mga Dutertes para sa kanya ay “last ditch effort” para isalba ang kanyang senatorial bid para sa 2022 local at national elections.

Inaasahan ni Sec. Roque na makakausap niya sina Pangulong Rodrigo Roa Duterte at maging si presidential daughter, Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio pagkatapos ng kanyang facility quarantine.

“Patapos na po ang aking facility quarantine. So inaasahan ko po na makausap nang personal si Presidente at si Mayor Sara Duterte ,” ayon kay Sec. Roque.

Deadline na kasi ng substitution of candidates para sa May 2022 polls sa darating na Nobyembre 15.

Ibig sabihin ay make or break” ito sa kandidatura ni Sec. Roque.

Matatandaang naudlot ang sana’y paghahain ni Sec. Roque ng kanyang certificates of candidacy (COCs) dahil hindi tumuloy tumakbo si Davao City Mayor Sara Duterte- Carpio sa pagka- pangulo. Ang desisyon kasi ni Mayor Sara na tumakbo sa pagka-pangulo ang magsisilbing “go signal” ni Sec. Roque para tumakbo sa pagka-senador.

Noong nakaraang linggo ay umasa si Sec. Roque sa “himala” na magbabago ang isip ni Mayor Sara para makatakbo na siya sa pagka-senador.

Samantala, nasa ilalim ngayon ng facility quarantine makaraan ang kamakailan lamang niyang pagbyahe sa Estados Unidos.

Kapuwa binisita ni Sec. Roque ang New York at California. Kris Jose



Digong, Mayor Sara personal na kakausapin ni Roque sa pagtakbong senador
Source: Filipino Pinoys