binakunahan
Minor dependents ng PNP personnel, binakunahan

MANILA, Philippines- Sinimulan nang bakunahan laban sa coronavirus disease (COVID-19) ang mga minor dependents ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) sa pagbubukas ng pediatric vaccination sa bansa.
Sinabi ni PNP deputy chief for administration Lt. Gen. Joselito Vera Cruz na nagsimula ang pagbabakuna nitong Nobyembre 1, isang araw matapos makumpleto ang pagbabakuna sa mga police personnel.
Naauna nang simulan ang pediatric vaccination sa mga kabataan na 12 hanggang 17 taong gulang na may comorbidities nitong Oktubre 15 at mas pinalawak pa sa pagbabakuna ng mga menor na kabilang sa nasabing age group gamit ang Pfizer at Moderna vaccines.
Batay sa pinakabagong datos ng PNP, nasa 200,812 sa 224,021 tauhan ng pulisya angfully vaccinated na, habang hinihintay naman ng 20,335 ang kanilang second dose.
“Majority naman dun sa 2,025 na unvaccinated ay nag-execute ng waiver na ayaw nila talaga magpabakuna though meron din sa kanila ang naghihintay pa ng availability of vaccines in their respective localities which hopefully will be addressed with the arrival of millions of vaccines as reported in the news,” pahayag ni Vera Cruz.
Dagdag pa niya, mahirap ihatid sa malalayong lugar ang mga bakuna kung hindi gagamitin ang authorized cold chain logistics provider. RNT/SA
Minor dependents ng PNP personnel, binakunahan
Source: Filipino Pinoys
binakunahan
Minor dependents ng PNP personnel
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento