2,303 pang bagong kaso ng COVID naitala; 128 patay, 4,677 nakarekober

Lalo pang bumaba ang bilang ng kaso ng COVID-19 kada araw matapos na makapagtala lamang ng 2,303 ang Department of Health (DOH) ngayong Martes.

Sa kabuuan, mayroon nang 2,792,656 na kaso ng coronavirus disease mula nang magsimula ang pandemya noong 2020.

Ang bilang naman ng bagong gumaling ay umabot na sa kabuuang 2,708,466 dahil sa karagdagang 4,677.

Umabot naman sa 128 ang pumanaw ngayong araw dahilan para umakyat na sa 43,404 ang namamatay sa sakit.

Patuloy ding nababawasan o bumababa ang bilang ng aktibong mga kaso o mga pasyente na patuloy pa ring binabantayan o ginagamot.

Sa pagbaba ng mga kaso sa kabila ng mas maraming publiko na ang pinapayagang lumabas, sinabi ng OCTA Research group na wala pang nakikita sa ngayon na bagong variant ng COVID-19. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)



2,303 pang bagong kaso ng COVID naitala; 128 patay, 4,677 nakarekober
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento