Pinakakaunting active COVID cases ngayong taon naitala ng Navotas

MANILA, Philippines- Naitala ng Navotas ang pinamababang bilang ng active COVID-19 cases ngayong taon.

Ayon sa City Health Office, nitong Nobyembre 2 ay 31 na lamang ang active COVID cases sa  Navotas, mas mababa sa record na naitala noong Pebrero 6 na 33 cases.

“Just this Saturday, during our situationer, we expressed our intention to beat our lowest number of active cases this week. And the Navoteños delivered!” ani Mayor Toby Tiangco.

“OCTA Research has also classified Navotas as ‘very low risk.’ We congratulate and thank each Navoteño, especially our frontliners, for doing their utmost to help keep our city safe from COVID,” anang alkalde.

“Ang importante po ay wag tayong magpabaya para hindi masayang ang sakripisyo ng lahat. Pakiusap ko po na magkaisa tayong lahat. Lalo pa nating ingatan ang ating sarili para bumaba na nang todo ang mga kaso at di na mabigyan ng pagkakataon na tumaas ito ulit, na siyang magpapahirap na naman sa buhay nating lahat. Bigay todo na tayo sa pag-iingat sa sarili para matapos na ang pandemya,” dagdag ni Tiangco.

Patuloy na hinimok ng Punong-Lungsod ang mga Navoteño magpabakuna laban sa COVID-19

“We have started our vaccination for 12-17 years old, with or without comorbidity. We have allocated 300 slots per day. Parents or guardian, who have yet to get their vaccine, may accompany their child and have themselves vaccinated, too. However, they need another adult to assist them in case they experience side effects,” aniya.

Nagbukas ang Navotas ng tatlong sites para sa pediatric vaccination. Ang mga magpapabakuna ay dapat na mag-set ng appointment sa pamamagitan ng https://covax.navotas.gov.ph/  at pumili sa Navotas City Hospital, Kaunlaran High School, o  Tumana Health Center bilang kanilang vaccination site.

Hanggang Oktubre 30, nakapagbigay na ang lungsod ng given 310,000 doses ng COVID vaccine. Dito, 162,039 ang first doses at 147,961  ang second doses. Merly Iral



Pinakakaunting active COVID cases ngayong taon naitala ng Navotas
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento