BRAVO
BRAVO, LANETE SA MASBATE UMAARANGKADA

LALONG lumalakas ang grupo ng oposisyong pinamunuan ng kandidatong gobernador at 3-termer na kongresista ng unang distrito ng Masbate na si Bong Bravo.
Ito ay makaraang mag- substitute ang kaalyado nitong si Dr. Scott Davies ”Dr. S” Lanete bilang Congressional aspirant ng ikalawang distrito ng lalawigan.
Pinaniniwalaan ng mga kababayan ko na ang game changer ng banggaan sa darating na 2022 eleksyon ay ang pagtakbo ni Dr. S na tatlong termino ring kongresista ng ikatlong distrito ng probinsya.
De-kalidad ang mga manok ng oposisyon ngayong pinangunahan ng asawa ni Bong na si Marvi Espinosa Bravo bilang kapalit niyang kongresista sa unang distrito.
Samantala ang dating gobernador at tatlong termino ring nahalal na mambabatas sa ikatlong distrito na si Dayan Seachon Lanete ay babalik sa kanyang trono bilang kongresista ng naturang distrito.
Dito masusukat kung hanggang saan ang puwersa ng kasalukuyang administrasyon ni Governor Kho na pinatakbo na rin bilang kongresista ang mga bagitong anak na sina Ricardo sa 1st district, Ara sa ikalawang distrito at ang incumbent na si Wilton sa ikatlong distrito.
Bagaman ipinangangalandakan ng administrasyon na bitbit nito ang karamihan sa mga opisyal ng lalawigan subalit kaalyado naman umano ng oposisyon ang malalaking pamilya sa bawat bayang mulat na sa naglalakihang isyu’t problemang kinahaharap ngayon ng mga tagarito.
Sakaling tumarak sa isipan ng mga kababayan ko ang ilang kuwestiyunable umanong polisiya ng kapitolyo kabilang ang no vaccine no entry sa mga umuuwing indibidwal noong inilapit ni Bravo sa IATF, posibleng pumabor ang halalan sa oposisyon.
Kalat na kalat din sa kalakhang Masbate ang galit ng taumbayan hinggil sa hindi matugunan ng mga nakaluklok na opisyal ukol sa malawakang brownout na pahirap din sa mga negosyanteng nadagdagan pa ng mala tsokolateng suplay ng tubig sa lungsod.
Batid ng sambayanang ang sobrang pang-aabuso sa poder ng mga politikong binabalya ang kanilang kalaban na taos-pusong nagsisilbi din naman sa mga nasasakupan katulad ng pagsampa ng walang kwentang kasong administratibo kay Balud Mayor RJ Lim, ang ikababagsak ng administrasyon nito.
Hindi ba’t nilampaso noon ni Father Panlilio ang mala adobeng puwersa ni Bong Pineda nang banggain ito sa pagka-gobernador bunsod sa hindi na masikmura ng mga taga-Pampanga ang pang-aabuso sa puwesto ng pamilyang ito?
BRAVO, LANETE SA MASBATE UMAARANGKADA
Source: Filipino Pinoys
BRAVO
LANETE SA MASBATE UMAARANGKADA
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento