2 indibidwal nasagip sa nasirang bangka- PCG

MANILA, Philippines- Dalawang indibidwal ang iniligtas ng Philippine Coast Guard (PCG) nang masiraan ang kanilang motorbanca sa pagitan ng karagatan sa bisinidad ng Romblon at Masbate.

Kinilala ng PCG  ang dalawa na sina Jovy Dilao, 43 at Junrey Capinig, 20.

Ayon sa mga biktima umalis sila ng Pugawan, San Andres, Quezon nang makaranas ng engine trouble  habang patungong  San Pascual, Burias, Masbate.

Nagsagawa ng search and rescue operation ang PCG at Bantay Dagat at namataan ang nasiraang motorbanca sa pagitan ng  baybayin ng  Cajidiocan, Romblon at Mandaon, Masbate.

Nang masigurong nasa maagos na kalagayan ang mga biktima, hinila ng PCG ang nasiraang motorbanca  sa pampang ng Cajidiocan. Jocelyn Tabangcura-Domenden



2 indibidwal nasagip sa nasirang bangka- PCG
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento