COVID vaccination sa Makati City, pinaigting

MANILA, Philippines- Sa kabila ng pagbaba sa bilang ng bagong kaso ng coronavirus disease (COVID-19), napanatili ng city government ng Makati ang mga hakbang nito sa pagbabakuna laban sa virus.

Nagsimulang magbakuna kontra COVID-19 ang Makati sa mga bata mula 12 hanggang 17 taong gulang. Maaaring bumisita ang menor na nais magpabakuna sa website na proudmakatizen.com.

Patuloy sa pagbaba ang mga kaso ng virus sa Metro Manila kabilang ang Makati nitong mga nakaraang linggo. Ang mataas na vaccination rates at patuloy na pagsunod sa health protocols ang nagdulot ng pagbaba sa bilang ng impeksyon.

Matatandaang ibinaba na rin sa Alert Level 2 ang National Capital Region at mga kalapit na rehiyon. Nangangahulugan ito na mas maraming tao ang pinapayagan na lumabas at pumunta sa mga establisimyento. RNT/SA



COVID vaccination sa Makati City, pinaigting
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento