Philippines news
Utang ng Pinas lumobo na sa P11.92T

MANILA, Philippines- Inanunsyo ng Bureau of Treasury na nitong katapusan ng Setyembre, ay umabot na sa P11.92 trilyon ang utang ng gobyerno ng Pilipinas o 27.2 porsyento mula nitong nakaraang taon.
Sa ulat noong Setyembre 2020, nasa P9.37 trilyon ang kabuuang utang ng bansa na kung susumahin ay nadagdagan ng P2.55 trilyon sa loob ng 12 buwan.
Ayon sa Treasury, umakyat ng P274.53 bilyon o 2.4 porsyento ang utang ng gobyerno nitong buwan ng Setyembre lamang sanhi ng net issuance ng domestic at external debt at peso depreciation laban sa US dollar.
Magmula umpisa ng taon, dumagdag ang P2.12 trilyon sa obligations obligasyon ng Pilipinas.
Itong taon lamang, napadagdag sa domestic obligations ng bansa ang P1.69 trilyon, at P428.98 bilyon sa foreign debt nito.
“Of the total debt stock, 29.6 percent was sourced externally while 70.4 percent were domestic borrowings,” pahayag ng Treasury.
Umabot sa P8.39 trilyon ang domestic debt habang P3.53 trilyon naman ang kabuuan ng foreign debt.
Sa loob ng limang taon at tatlong buwan sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ay nadoble na ang utang ng bansa mula P5.95 trilyon hanggang katapusan ng Hunyo 2016.
Base kay Finance Secretary Carlos Dominguez III, inaasahang manghihiram pa ng P3 trilyon ang gobyerno ngayong taon at P2.25 trilyon sa isang taon.
Inaasahang magkakaroon ng kaunting pagtaas sa debt-to-GDP ratio mula sa nakaprogramang 59 percent ratio sa 2021 hanggang 60 porsyento sa 2022. RNT/SA
Utang ng Pinas lumobo na sa P11.92T
Source: Filipino Pinoys
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
Utang ng Pinas lumobo na sa P11.92T
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento