Malabon, Valenzuela tig-isa ng patay dahil sa pandemya

MANILA, Philippines – Isa ang patay dahil sa COVID-19 sa Malabon City habang ang nadagdag na confirmed cases nitong Oktubre 27.

Sa kabuuan ay 21,128 ang positive cases sa siyudad, 103 dito ang active cases.

Ang mga bagong kaso ay naitala sa Barangay Hulong Duhat (1), Longos (1), Maysilo (1), Panghulo (5), Potrero (2), Tinajeros (3), at Tonsuya (1).

Sa kabilang banda, dalawang pasyente ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling. Sila ay mula sa Barangays Santulan (1) at Tinajeros (1).

Sa kabuuan ay 20,385 ang recovered patients ng siyudad habang pumanhik sa 640 death toll

Isang COVID patient rin ang patay sa Valenzuela City ntiong Oktubre 27 habang 334 ang active case matapos na 13 ang gumaling at 47 ang magpositibo sa virus.

Pumalo na sa 35,352 ang confirmed cases sa lungsod, at sa nasabing bilang ay 34, 201 na ang gumaling at 817 na ang namamatay.

Walang naiulat na natodas sa COVID sa Navotas habang 64 ang active cases hanggang 11:59 pm ng Oktubre 26.

Sumampa na sa 17,561 ang nasapul ng pandemya sa lungsod, at sa nasabing bilang ay 16,956 na ang gumaling at 541 na ang namamatay. Merly Iral



Malabon, Valenzuela tig-isa ng patay dahil sa pandemya
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento