Philippines news
Tagaytay Picnic Grove binuksan na; Baguio City bukas na rin sa turista sa Nob. 1

Manila, Philippines – Bukas na sa publiko ang pasyalang Picnic Grove sa Tagaytay, batay sa ulat.
Bukas ito mula 6 a.m. hanggang 10 p.m para sa fully vaccinated individuals kasama na ang seniors citizens.
Bawal pa rin ang mga bata at menor de edad na makapasok sa parke.
Sa ulat, hindi pa rin gumagana ang Ferris wheel sa Picnic Groove ngunit papayagan naman ang horseback riding sa halagang P350 at zipline sa halagang P300.
Nagkakahalaga naman ang entrance fee ng Picnic Groove ng P50.
Sa kabila nito, nananatili namang sarado ang People’s park habang bawal pa rin ang mga bata sa restaurant.
Samantala, bubuksan na sa publiko ang Baguio City sa Lunes, Nobyembre 1.
Dapat naman ay fully vaccinated ang mga bibisita.
Sa mga nasa edad 12-17, dapat magpresenta ng RT-PCR o Antigen test results.
Inabisuhan naman ang lahat na magparehistro muna sa “Bisita App” website dahil kailangan ito bago pumasok ng Baguio. RNT/FGDC
Tagaytay Picnic Grove binuksan na; Baguio City bukas na rin sa turista sa Nob. 1
Source: Filipino Pinoys
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
Tagaytay Picnic Grove binuksan na; Baguio City bukas na rin sa turista sa Nob. 1
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento