12.7M menor posibleng mabakunahan sa unang kwarter ng 2022- Duque
12.7M menor posibleng mabakunahan sa unang kwarter ng 2022- Duque

MANILA, Philippines- Inanunsyo ni Health Secretary Francisco Duque III na maaaring makumpleto ang pagbabakuna 12.7 milyong kabataan mula 12 hanggang 17 taong gulang sa unang kwarter ng 2022.
Pahayag ni Duque sa isang panayam sa Dobol B TV, posibleng maabot ang target na pagbabakuna sa 12.7 milyong menor sa Enero 2022.
“Kung 100% ng 12.7 million [minors], baka ‘yan ay umabot ng Enero, first quarter ng 2022,” ani Duque.
Base pa sa Health Secretary, target ng pamahalaan na mabakunahan anh 80 porsyento ng 12.7 milyong menor sa pagtatapos ng taon.
“12 to 17, before the end of December with 12.7 population,” mensahe ng National Task Force sa mga reporters.
Nilinaw ng Department on Health (DOH) na magsisimula ang nasabing pagbabakuna sa mga kabataan mula 12 hanggang 17 taong gulang sa Nobyembre 3 sa National Capital Region habang sa Nobyemre 5 naman sa ibang parte ng bansa.
Batay sa DOH, 23,727 menor na may comorbidities na ang nababakunahan laban sa coronavirus disease (COVID-19). RNT/SA
12.7M menor posibleng mabakunahan sa unang kwarter ng 2022- Duque
Source: Filipino Pinoys
12.7M menor posibleng mabakunahan sa unang kwarter ng 2022- Duque
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento