madaling pahubarin!
Sunshine Guimary, madaling pahubarin!

Manila, Philippines – Patuloy sa pag-arangkada ang showbiz career ng sexy actress na si Sunshine Guimary. Isa siya sa inaabangan at madalas na atraksiyon sa Vivamax, lalo na ng mga barakong mahilig sa mga pelikulang pampainit ng puson.
Palabas na last Oct. 22, 2021 at eksklusibong napapanood sa Vivamax ang latest movie ni Sunshine titled House Tour. Ito ay isang sexy, heist thriller movie na pinagbibidahan din nina Diego Loyzaga, Mark Anthony Fernandez, Marco Gomez, Rafa Siguion-Reyna, at Cindy Miranda, sa pamamahala ni Direk Roman Perez, Jr..
Nagpasalamat si Sunshine sa mga fans niyang kalalakihan sa walang sawang pagsuporta sa kanya.
Masayang bulalas ni Sunshine, “To all my barako fans, I love you all. Iba ito sa makikita nila sa sexy na gagawin ko, medyo… ‘yung pagka-daring nito, parang beyond sa mga nagawa ko sa Kaka at sa Shoot, Shoot.”
Pagdating sa eksenang hubaran, aminado si Sunshine na walang kaso sa kanya ito.
“Sa pagpapa-sexy naman, ako kung ano talaga ang kailangan as my character sa House Tour, walang maraming kung ano pa, take it off, para matapos na tayo, ganoon lang kabilis,” nakangiting saad pa niya.
Nabanggit din niya ang ginagawang paghahanda kapag may love scene o eksenang hubaran.
“Unang-una, nagko-communicate… siyempre si direk napaka-supportive niyan, lahat ng support ay ibinibigay sa amin.
“Kapag kuha ko na iyong gusto ni Direk at ‘yung character, na kunwari ay ganito, ganito, na totallly naked… lalaruin natin sa ganito… kukunin ko muna iyong buong laman ng bed scene. Iyong sa umpisa, sa gitna, hanggang sa matapos iyong bed scene at kung kaya talaga, ang gusto ko ay isang bagsakan lang. Mas natural kasi iyong isang bagsakan lang na bed scene, eh.”
Pagpapatuloy pa ng aktres, “Alam mo iyon? Nagpapalitan kayo ng kiss, hugs and all, parang inaano ko na lang siya, sinasaniban ko na lang talaga ang sarili ko saka in character talaga, kailangan ay in character talaga. Minsan nababad-trip din ako, kasi kahit nag-aano ka lang, nakahubad pa rin kayo, eh. So, nandoon pa rin ang kaba, nandoon pa rin ang pressure na sana maganda ang kalalabasan ng bed scene na ito.”
Huwag palagpasin ang House Tour. Mag-subscribe sa Vivamax sa web.vivamax.net. Nonie Nicasio
Sunshine Guimary, madaling pahubarin!
Source: Filipino Pinoys
madaling pahubarin!
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
Sunshine Guimary
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento