Special provision sa tigil lipat-pondo sa PS-DBM, PITC ilalagay sa 2022 GAA – Drilon

MANILA, Philippines – Maglalagay ng special na probisyon ang Senado sa pambansang badyet laban sa paglilipat o pagtatago ng pondo ng alinmang ahensiya ng pamahalaan sa Department of Budget and Management – Procurement Service at Philippine International Trading Corp. (PITC).
Inihayag ito ni Senate Minority Leader Franklin Drilon sa ginanap na deliberasyon ng 2022 General Appropriation Act upang tuldukan ang paglilipat ng pondo ng ahensiya ng pamahalaan na nagreresulta sa anomalya.
Sa ginanap na pagdinig ng Senate finance committee sa panukalang P2.22B badyet ng DBM, hiniling ni Drilon kay DBM Officer-in-Charge Tina Rose Marie Canda na magsumite ng isang special provision sa komite upang itigil ang pagkilos ng ilang ahensiya ng pamahalaan na naglilipat ng pondo sa naturang ahensiya kabilang ang inter-agency fund transfer.
Sinabi ni Drilon na hindi nakatutulong ang partikular na sistema sa ekonomiya ng Pilipinas dahil hindi nagagamit ang pondo.
“It shows a higher obligation rate but the system does not help our economy because the funds are not actually utilized,” himutok ni Drilon.
Tinukoy ni Drilon na simula noong 2014 hanggang 2020, umabot sa mahigit P50 bilyon ang inilipat ng pambansang ahensiya sa PITC at P91.8 bilyon naman sa DBM-PS. Ikinonsiderang obligated o nagamit ang naturang pondo.
Hiniling din ni Drilon kay Canda na isama dito ang pagpapalabas ng circular upang tugunan ang problemang nahaharap at magsagawa ng isang repormang pang-istruktura sa DBM-PS.
Pumayag si Canda sa panukala ni Drilon sa pagsasabing maaari nilang itama ang mga pagkakamali sa loob ng susunod na taon tulad sa Bayanihan Law.
Canda agreed with Drilon and said they can possibly rectify it “in the next couple of years, similar to the Bayanihan Law.
“It was provided that transfers of funds would ultimately mean reversion if at the end of the year it has not been utilized,” ayon kay Canda bialng tugon kay Drilon.
“It is a good practice and it is in connection with the Executive Order No. 91 on cash-based budgeting that if you don’t implement it without the period specified, you don’t try to get around a law and transfer it to another agency and consider it already assigned,” dagdag niya.
Pinaburan naman ni Senate finance chairman Sen. Sonny Angara ang panukala ni Drilon sa pangangailangan na lumikha ng naturang probisyon.
“I’d like to clarify the provision…a sort of Bayanihan type provision that would provide that if you have not used these funds by a certain date they will revert to the national government so they cannot stay there indefinitely or fester or rot in a particular department?” tanong ni Angara kay Canda.
Pumayag naman si Canda kaya nangako si Angara na makikipagtulungan sa DBM hinggil sa partikular na patakaran.
“We’ll work with you and Sen. Drilon and the other senators to craft that provision,” ayon kay Angara. Ernie Reyes
Special provision sa tigil lipat-pondo sa PS-DBM, PITC ilalagay sa 2022 GAA – Drilon
Source: Filipino Pinoys
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento