Pangilinan ‘di aatras sa VP race  

Manila, Philippines — Nilinaw ni Senator Francis Pangilinan na hindi siya aatras sa vice presidential race sa darating na eleksyon.

“We discussed this with the Vice President. Wala nang atrasan ito,” ani Pangilinan sa panayam sa ABS-CBN News Channel.

 “As we have seen, bumabaha ang suporta, lumalakas ang ating loob, nakikita nating talagang all out din ang ating mga kababayan…hanggang sa dulo, tuloy tuloy na ito and in the end we will trust in God and our people,” dagdag pa nito.

Aniya pa, nagpapalakas ng loob sa kanya ang ‘explosion’ ng mga suporta para sa kanila ni Robredo.

 “These motorcades, for example, in the coming days, this is purely spontaneous, wala kaming inorganisa dito,” saad pa ni Pangilinan.

“So the explosion, yung bumabaha ang suporta, talagang yun ang naguudyok sa atin kaya tuloy tuloy na ito, wala nang atrasan.”

Gayundin ay tinanong si Pangilinan tungkol sa mga naunang survey na lumalabas para sa eleksyon.

 “Let’s wait… Yung sure winner na sa September (pre-election survey) in the last presidential elections, yung sure winner nung September, e talo.”

“The poll that really matters is on May 9, 2022,” dagdag pa nito. RNT/FGDC



Pangilinan ‘di aatras sa VP race  
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento