bawal
SC sa PNP: Pagmamatyag sa pamilya ng umano’y NPA, bawal

MANILA, Philippines – Mananatili ang inilabas na kautusan ng Korte Suprema na nagbabawal sa Philippine National Police na nagbabawal na isailalim sa surveillance ang pamilya ng umano’y miyembro ng New People’s Army.
Ito ay matapos ibasura ng Supreme Court ang apela ng San Jose Municipal Police Station laban sa inisyung permanent protection order para sa petitioner na si Vivian A. Sanchez.
Sa desisyon ng Korte Suprema, pinanatili nito ang permanent protection order laban sa pulisya pabor sa petitioner.
Ayon sa SC, sapat ang mga ebidensya ni Sanchez na siya at ang kanyang dalawang anak ay naging persons of interest at inilagay sa surveillance ng pulisya dahil sa koneksyon ng kanyang pumanaw na asawa sa NPA.
Ang mister niya na si Eldie Labinghisa ay isa sa pitong hinihinalang miyembro ng NPA na napatay ng PNP noong 2018 sa Barangay Atabay, San Jose, Antique.
Iginiit ng Korte Suprema na ang right to privacy ay isang pangunahng karapatan at hindi ito maisasantabi dahil sa ugnayan sa isang person of interest.
Ayon sa SC, kung nais imbestigahan ng pulisya sina Sanchez at ang mga anak nito ay dapat silang magsagawa ng pormal na imbestigasyon. Teresa Tavares
SC sa PNP: Pagmamatyag sa pamilya ng umano’y NPA, bawal
Source: Filipino Pinoys
bawal
Philippines news
Pinoy Trending
politics
SC sa PNP: Pagmamatyag sa pamilya ng umano’y NPA
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento