Popularidad ni Digong ‘di maihahawa sa mga ineendorsong kandidato – analyst

MANILA, Philippines – Walang duda ang pananatiling popular ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte pero sinabi ng isang political analyst na hindi niya ito maihahawa sa mga ineendorsong kandidato para manalo sa 2022 national at local elections.

Matapos umatras si Davao City Mayor Sara Duterte sa bakbakan sa presidential race, sinabi ng Chief Executive na ang kandidatura ni Senator Bato dela Rosa ay “good” dahil ito ay isang “military man.”

Subalit, sinabi ni Professor Maria Ela Atienza, propesor sa University of the Philippines Political Science Department, na ang kamakailan lamang na satisfaction ratings ng Pangulo ay bumaba at maging ang kanyang government performance at media freedom ratings.

“While President Duterte remains popular now, his ratings have also gone down compared to before and public satisfaction ratings on government performance, including COVID-19 response and issues related to media freedom, have gone down. Popularity of an outgoing president does not necessarily translate to victory of the anointed candidate,” ayon kay Atienza.

Sa Social Weather Stations (SWS) poll, tinatayang 45% ng mga Filipino ang naniniwala na mapanganib na ilathala o i-broadcast ang anumang bagay laban sa Duterte administration.

Ang net satisfaction rating din ng Punong Ehekutibo ay bumaba noong Mayo at Hunyo 2021 matapos na maabot ang record-high score noong panahon ng pandemic-hit November 2020.

Gayunman, paulit-ulit na itinatanggi ng Malakanyang na ang mga miyembro ng media ay “under attack” sa panahon ng Duterte regime.

Maliban sa popularidad, sinabi pa ni Atienza na ang COVID-19 response, pagtugon sa ekonomiya at unemployment ay naka-impluwensiya rin kung paano gagamitin ng mga Filipino ang kanilang right to suffrage.

“This as the economic impact of the 2020 pandemic led to a recession “comparable to the Marcos years,” ayon kay Atienza.

“Based on SWS and Pulse Asia surveys on major issues or concerns of Filipinos, the economy, pandemic response, and graft and corruption issues in government, especially linked with the COVID-19 response, could also factor in voting behavior in 2022,”dagdag na pahayag nito.

Samantala, todo-depensa naman si Vaccine czar Carlito Galvez Jr. sa ginagawang pagtugon ng Duterte administration sa coronavirus disease pandemic matapos na mag-rank ang Pilipinas sa panghuli mula sa 121 countries.

Aniya, dumaranas ang Pilipinas ng surge sa gitna ng Delta variant habang ang ibang bansa ay bumababa ang kaso. Kris Jose



Popularidad ni Digong ‘di maihahawa sa mga ineendorsong kandidato – analyst
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento