Philippines news
Tumodas sa tanod, timbog; utol mastermind

CAGAYAN – Bumagsak sa kamay ng alagad ng batas ang dalawa sa tatlong suspek sa pagpatay sa isang Brgy Tanod sa bayan ng Buguey.
Sa imbestigasyon ng pulisya, lumalabas na mismong kapatid nang nasawing BarangayTanod na si Victoria Torrecer, 67-anyos ang mastermind sa pagkamatay ni Dionicio Torrecer, 61-anyos, kapwa residente ng Brgy. Pattao ng nasabing bayan.
Aminado si Victoria at may bahid ng pagsisi nang iutos niya na patayin ang sariling kapatid at nagbayad ng P50,000 sa dalawang gunmen na sina Bernardino Tagay, 29-anyos, residente ng Brgy Fula at Mark Anthony Oliva, 24-anyos ng Brgy Pattao.
Napag-alaman na away sa lupa ang motibo na dahilan ng pamamaril sa biktima ng dalawang gunman na inutos naman ng kapatid nito.
Hanggang sa ngayon pinaghahanap ng pulisya si Oliva na kasamang sinampahan ng kasong pagpatay.
Malapitang pinagbabaril ng dalawang suspek na naka-helmet ang biktima sa kanyang bahay na nagpanggap pa umano sila na bibili ng manok nito.
Dahil sa tinamong sugat ay hindi na umabot ng buhay ang biktima sa isang pagamutan. Rey Velasco
Tumodas sa tanod, timbog; utol mastermind
Source: Filipino Pinoys
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
timbog; utol mastermind
trending Articles
Tumodas sa tanod
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento