COVID positive na pulis
COVID positive na pulis, patay sa accidental firing sa pagamutan

SAN JOSE CITY, Nueva Ecija – Isang pulis ang iniulat na nasawi makaraang mabaril ang sarili gamit ang nililinis na baril habang naka-confine sa isang pagamutan dito, Linggo, Oktubre 10 ng umaga.
Kinilala ni P/Lt. Col. Criselda de Guzman, hepe ng pulisya rito, ang namatay na pulis na si P/Staff Sgt. Reynante Menia y Santomin, 43, ng Zone 1, Barangay Villa Joson ng lungsod na ito, at nakatalaga sa Rizal municipal police station.
Ayon sa ulat, nasa COVID-19 patient isolation room sa Ospital ng Lungsod ng San Jose ang biktima matapos na maging positibo ito sa nasabing virus noong October 8, nang marinig ng misis nito, ang alingawngaw ng isang putok ng baril.
Agad umanong tinungo ng naka-duty na nurse ang biktima at nadatnang nakabulagta at hindi na umano humihinga ang pulis, na may tama ng bala sa kanyang ulo.
Nabatid sa pagsisiyasat na nililinis umano ng biktima ang kanyang caliber .9mm Piettro Berretta Pistol na may SN N64539Z, nang aksidente umano nitong makalabit ang gatilyo nito at pumutok, na kanyang agad ikinamatay.
Ayon sa misis ng biktima, madalas umanong maglinis ng baril ang kanyang mister lalo’t kung off-duty umano nito.
Wala namang pahayag ang pulisya kung posible bang suicide o nagpakamatay ang biktima. Ver Sta. Ana
COVID positive na pulis, patay sa accidental firing sa pagamutan
Source: Filipino Pinoys
COVID positive na pulis
patay sa accidental firing sa pagamutan
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento