PRC nakaalerto na sa bagyong #MaringPH

MANILA, Philippines – Nakaalerto ngayon ang Philippine Red Cross at mahigpit na minimonitor ang Tropical Storm Maring.

Inatasan na rin ng PRC ang kanilang local Chapters sa Western Visayas, Palawan, at Occidental Mindoro na maging alerto matapos maglabas ng heavy rainfall warning ang PAGAS sa mga lugar na maapektuhan.

Handa na ring magdeploy ang PRC ng kanilang disaster management team kasama ang kanilang welfare services sakaling ang sitwasyon ay lumala habang tinatahak ng bagyong Maring ang baybayin ng Virac, Catanduanes.

Bukod sa heavy rainfall warning, ang Signal #1 ay nasa Catanduanes, Batanes, Cagayan kabilang ang Babuyan Islands, at northeastern portion ng Isabela, Eastern Samar, eastern portion ng Northern Samar, at eastern portion ng Samar, Dinagat Islands, Surigao del Norte.

Nagdeploy na rin ang PRC ng kanilang assessment monitoring team sa posibleng flash floods o landslides na mangyayari sa pananalasa ng bagyong Maring. Jocelyn Tabangcura-Domenden



PRC nakaalerto na sa bagyong #MaringPH
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento