Siargao, tinanghal na pinakamagandang isla sa Asia-Condé Nast Traveler

MANILA, Philippines – Itinanghal na pinakamagandang isla ang Siargao ngayong taon sa buong Asya, ayon sa 34th Readers’ Choice Awards by US-based luxury and lifestyle travel magazine Condé Nast Traveler.

 Kasama rin sa top 10 list ang Palawan at Boracay na nasa ikatlo at pangwalong pwesto, base sa pagkakasunod.

Nanguna sa listahan ang Siargao, Philippines na sinundan ng Raja Ampat Islands, Indonesia, Palawan, Philippines, Bali, Indonesia, Sri Lanka, Langkawi, Malaysia, Koh Samui, Thailand, Boracay, Philippines, Phi Phi Islands, Thailand, Phuket at Phuket, Thailand.

Kilala ang Siargao bilang “Surfing Capital of the Philippines” at ipinagmamalaki rin nito ang pristine beaches, white sand islets at iba pang natural wonders.

Taun-taon ay isinasagawa ang survey kung saan kinikilala ang nakakamanghang isla, siyudad at mga bansa sa buong mundo.

Isa nga ito sa mga longest-running at most prestigious na pagkilala sa travel industry.RNT/TB



Siargao, tinanghal na pinakamagandang isla sa Asia-Condé Nast Traveler
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento