22.6M Pinoy kumpletong bakunado vs COVID
22.6M Pinoy kumpletong bakunado vs COVID

MANILA, Philippines — Umabot na sa 22,657,351 milyong Pilipino ang kumpletong bakunado laban sa COVID-19, ayon sa Malakanyang, Huwebes.
Ang komento ng Malakanyang ay kasabay na rin ng pagkalugmok ng bansa sa Nikkei Asia COVID-19 Recovery Index.
Sa kabuuan, nasa 48,390,819 COVID-19 shots hanggang nitong Miyerkoles, Oktubre 6, ang naiturok na sa bansa, nasa 25.7 million indibidwal ang nakakuha ng unang turok, ayon pa kay Palace spokesman Harry Roque.
Matatandaang target ng Pilipinas na makamit ang herd immunity vs COVID-19. Magagawa ito kapag nabakunahan na ang nasa 70 percent hanggang 80 percent ng kwalipikadong populasyon ng bansa.
Sa ngayon nasa 29 porsyento pa lang ng kwalipikadong populasyon ng Pinas ang kumpletong bakunado.
Giit ni Roque, sa Metro Manila, umabot na sa 76.7 percent ng target ang kumpletong bakunado na.
Sa Oktubre 15 na rin sisimulan ang pagbabakuna sa mga edad 12 hanggang 17. RNT
22.6M Pinoy kumpletong bakunado vs COVID
Source: Filipino Pinoys
22.6M Pinoy kumpletong bakunado vs COVID
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento