3 pasaherong ilang araw nagpalutang-lutang nasagip

Manila, Philippines – Nasagip ang tatlong pasahero ng nasiraang motorbanca ang nailigtas ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard sa karagatan ng Capones Island, San Antonio, Zambales ngayong Biyernes.

Sa ulat, October 3 nang magtungo sa Mariveles, Bataan ang mga pasahero at pabalik na ng Noveleta, Cavite nang magkaaberya ang makina ng kanilang bangka at nagpalutang lutang habang tinatangay ng alon dahil sa bagyong Lannie.

Agad namang nagsagawa ng search and rescue (SAR) operations ang PCG sa baybaying sakop ng  Maragondon, Ternate, at  Noveleta, Cavite.

Nakipag-ugnayan din ang PCG sa Vessel Traffic Management System (VTMS) Corregidor para sa  broadcasting ng pagkakilanlan ng motorbanca Adonis  sa mga naglalayag na  mga sasakyang pandagat.

Inabisuhan din ang mga rrsidente sa komunidad at lokal na mangingisda kaugnay sa insidente

Makalipas ng limang araw na walang tigil na SAR operations, nasagip sina  Joey Lescano,38;  Jessabel Semella, 29; at  Jhon Larence Reyes , 16 na kapwa residente ng Barangay 7, Cavite City .

Sila ay ibinyahe ng PCG mula Zambales hanggang Cavite City nang nasa maayos na kondisyon. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)



3 pasaherong ilang araw nagpalutang-lutang nasagip
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento