MAYOR NAGHAKOT NG MGA BOTANTE SA KASAGSAGAN NG COVID
MAYOR NAGHAKOT NG MGA BOTANTE SA KASAGSAGAN NG COVID

NAGHAKOT daw si Calaca Mayor Nas Ona ng mga botante na pinangunahan ng kanyang mga barangay official para samahan siya sa kanyang pag-file ng candidacy sa local election sa May 2022.
Nais lang ipakita umano ni Mayor na full force and suporta sa kanya laban sa makakalaban niyang si Vice Mayor Reynante Macalindong.
Pero kwidaw, bago mag-file ng candidacy si Mayor Ona, dumaan muna sila ng kanyang mga alipores sa simbahan ng Parokya ni St. Raphael Arkanghel sa Calaca, Batangas para manalangin na manalo siya sa eleksyon laban kay VM Macalindong.
Ibang klase talaga itong si Calaca Mayor, sabi naman ng iba dahil “Naalala niya lang ang Diyos tuwing may eleksyon.” Noong time na nagpapasasa siya sa poder, hindi man lang daw nito naaalala ang “Diyos na lumikha sa kanya!”
O Mayor, totoo ba ito? He..he..he.
May nagtatanong din kay Mayor kung paano raw siya nakahakot ng mga sasama sa kanya sa pag-file niya ng kandidatura at mga araw pa ng pandemya ngayon.
Kayo naman, hindi naging mayor si Mayor Ona kung hindi siya inihalal ng taumbayan.
Pero silip naman ng iba, meron yatang P1,500 na pamasahe at meryenda para sa bawat sumama. Hehehe.
Ano ba naman, kayo? Pati ba naman konting panlaban sa gutom at pagod, kung totoo, na bigay ni Mayor mamasamain pa ninyo…. Hehehe!
Katwiran naman ng iba, SANA ALL. Hehehe.
Meron lang tayong papansinin.
Totoo bang ang dapat na pampublikong ospital ay ginawang private diyan sa Calaca kaya sobrang mahal daw ang pagpapagamot diyan.
Kung totoo ito, mayor, sino ang may gawa niyan?
Ayon sa mga ulat, isa ang Calaca sa sinasalakay ng COVID-19 at may nangangamba na madaragdagan ang magkaka-COVID sa pagdagsa ng mga tao na sumama sa pagsisimba at pagpa-file ng kandidatura ni Mayor. Sana naman, hindi.
Kung may magka-COVID, aba, saan aabot ang P1,500…kung meron man?
Anomang puna o reklamo i-text sa 09189274764,09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com. juandesabog48@gmail.com.
MAYOR NAGHAKOT NG MGA BOTANTE SA KASAGSAGAN NG COVID
Source: Filipino Pinoys
MAYOR NAGHAKOT NG MGA BOTANTE SA KASAGSAGAN NG COVID
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento