nagmakaawa na para sa suplay ng COVID vax
Puerto Galera LGU, nagmakaawa na para sa suplay ng COVID vax

ORIENTAL MINDORO – Umaapela na sa suplay ng mas maraming COVID vaccine ang local government unit ng Puerto Galera.
Ito ay dahil dalawang linggo nang walang bakunahan na nagaganap sa lugar at wala rin dumadating na suplay ng COVID vaccine.
Sa panayam kay Mayor Rocky Ilagan, prayoridad pa naman sana nilang mabakunahan ang mga economic frontliners katulad na lamang ng nasa sektor ng turismo na pangunahing industriya sa Puerto Galera.
Nasa 9,000 pa lamang ang nababakunahan ng 1st at 2nd dose sa pinakahuling tala ng bayan.
Napakaliit na porsiyento pa lamang umano nito ang economic frontliners.
Sa sulat na ipinadala ni Ilagan sa Regional Director ng Department of Health, pabiro pa niyang sinabi na baka lalagyan na lamang niya ng ice candy ang vaccine storage.
“Sabi ko nga kay RD (regional director) gusto mo gagawin ko na lalagyan ng ice candy ito? Kailangang proteksiyounan ko economic frontliners ko, pero sa rate ng vaccination ay sobrang bagal, talagang halos lumuhod na ako sa DOH,” aniya.
Nangako naman na magpapadala ang regional DOH ng suplay nito sa susunod na linggo sa Puerto Galera. RNT
Puerto Galera LGU, nagmakaawa na para sa suplay ng COVID vax
Source: Filipino Pinoys
nagmakaawa na para sa suplay ng COVID vax
Philippines news
Pinoy Trending
politics
Puerto Galera LGU
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento