70% ng mga pulis sa Central Luzon, fully vaxxed na

PAMPANGA- 70% o nasa 11,000 mga pulis sa Central Luzon ang nakakumpleto na ng kanilang bakuna kontra COVID-19.

Ito ay base sa inilabas na datos ng Police Regional Office 3 (PRO3) Health Service ngayong araw, Setyembre 28.

Maliban dito, 15,062 sa mga uniformed men and women o 97.9% ang nakatanggap na ng unang dose ng bakuna sa rehiyon.

Kabilang sa mga vaccine brands na naiturok sa kanila ay mula sa AstraZeneca, Sinovac, Moderna, Pfizer, Sputnik V at Sinopharm.

Kabilang sa mga binigyan nila ng bakuna kontra COVID ay kabilang sa kanilang uniformed personnel at support units. RNT



70% ng mga pulis sa Central Luzon, fully vaxxed na
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento