FDA nagbabala vs black market Tocilizumab

MANILA, Philippines — Nagbabala ang Food and Drug Administration sa publiko laban sa black markets na nagbebenta ng gamot sa COVID-19 na  Tocilizumab.

Sinabing makakapagpalala ito ng kondisyon ng pasyente.

Maaalalang inirekomenda ang Tocilizumab ng World Health Organization bilang posibleng lunas nitong Hulyo.

Ayon kay FDA Director General Eric Domingo, nakikipag-ugnayan na sila sa Philippine National Police at National Bureau of Investigation.

Samantala, hinikayat din ni Domingo ang publiko na huwag bumili ng gamot sa black market.

Hindi aniya sigurado kung saan ito nanggaling o kung counterfeit at substandard. RNT/FGDC



FDA nagbabala vs black market Tocilizumab
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento