Bong Go: Lugar ng trabaho, gawing ligtas vs pandemya 

Manila – Ipinaalala ni Senator Christopher “Bong” Go sa bawat isa, kapwa sa pribado o pampublikong sektor, na ipatupad ang mga kinakailangang health protocols sa mga lugar na pinagtatrabahuhan para matiyak ang kaligtasan sa kalusugan.

Iginiit ng senador na dapat na maayos na mabalanse ang ekonomiya at ang kalusugan ng bawat Filipino habang humaharap ang bansa sa ‘new normal’.

Bilang chairman ng Senate Committee on Health, idiniin ni Go na habang unti-unting binubuksan ang ekonomiya ay huwag kalimutang naririyan pa rin ang banta ng COVID-19. At dahil dito, sinabi ni Go na dapat iprayoridad ang kapakanan at kalusugan  ng mga manggagawa.

Nagtungo ang grupo ni Go sa Castillejos, Zambales at nagsagawa ng 2 araw na relief operation sa mga economic frontliners. Hinimok ni Go ang lahat ng eligible workers na magpabakuna na.

“Kung napapansin niyo po, kadalasan sa mga namamatay o nagkakasakit ng severe na sintomas ay ‘yung mga ‘di bakunado. Halos lahat ng mga nasa ospital ngayon ay ‘di bakunado kaya kung mahal niyo inyong pamilya ay magpabakuna na kayo,” ang apela ni Go.

“Gusto nating makamtam ay population protection ngayong taon. Positive ako na makakamit natin ito dahil kung mabakunahan na ang 50% ng populasyon ay tuloy-tuloy na tayo patungo sa herd immunity,” patuloy ni Go.

Ang distribusyon ng ayuda ay isinagawa batch by batch sa Magsaysay, San Nicolas at San Pablo barangay halls, Brgy. Central covered court, Balaybay Elementary School, San Agustin Elementary School, at JesMag Pavillion Site.

Umaabot sa 3,006 market vendors at miyembro ng Tricycle Operators and Drivers Association ang nabiyayaan ng ayuda.

“Okay pa ang pamasada namin dati pero ngayon, hirap na hirap na kami dahil wala kaming kinikita. Ang biyahe namin dito ay alternate gawa ng pandemya. Nagkaroon ng coding kaya naging salitan,” ang sabi ni Nicanor Oas, 54, tricycle driver.

“Nagpapasalamat kaming mga taga-Zambales sa tulong ng ipinagkaloob ng mahal na Presidente Rodrigo Duterte, Senator Bong Go, mayora [Eleanor Dominguez] at iba pang opisyal. Malaking bagay ito, lalo na ang financial assistance at may pangbili kami ng bigas para sa isang buwan! ‘Yung iba, gagamitin nalang namin panggastos sa mga pang-araw-araw na pangangailangan,” idinagdag niya. ###



Bong Go: Lugar ng trabaho, gawing ligtas vs pandemya 
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento