200K pa makaboboto sa pagpapalawig ng voter registration

Manila, Philippines – Inaasahang papalo sa 200,000 ang madaragdag na makaboboto kung palalawigin pa ng  Commission on Election (COMELEC) ang voter’s registration sa bansa.

“Right now, our expectation is we are probably going to get less than 200,000 more who have not registered yet,” saad ni James Jimenez, tagapagsalita ng COMELEC.

Lumagpas din aniya ng isang milyon ang kanilang target na bagong registrants na apat na milyon.

“We exceeded our expectation of four million. We are now actually at five million,” dagdag pa nito.

Nang tanungin si Jimenez tungkol sa pagpapalawig ng pagpaparehistro sa piling lugar, sinabing magiging mahirap ang ‘granular extension.’

“We will see. I think if we are going to have a solution it will be a system-wide solution,” pahayag pa ni Jimenez.

Nakatakda namang magpulong ang Comelec en banc sa susunod na linggo para pag-usapan ang panawagang extension. RNT/FGDC



200K pa makaboboto sa pagpapalawig ng voter registration
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento