Lalaki
Lalaki, timbog sa pekeng pera

JAEN, Nueva Ecija – Arestado sa isang entrapment operation ang isang 58-anyos na lalaki makaraang makuhanan siya ng pulisya ng dalawang bungkos ng pekeng pera sa Barangay Marawa ng bayang ito, noong Sabado ng gabi, Setyembre 25.
Kinilala ng Jaen PNP ang naarestong suspek na si Teodoro Nepomuceno Carlos, 58, jobless ng nasabing barangay.
Hinuli ang suspek ng pinagsanib na puwersa ng mga operatiba ng Intelligence section ng Jaen Police station at Intel Unit ng Nueva Ecija Police Provincial Office (NEPPO), bandang alas-9:30 ng gabi.
Ayon sa ulat, kapalit ng tunay na P1,500 bill ‘marked money’ nakabili umano ng dalawang bungkos ng perang mula sa bansang Iraq at Zimbabwe na pinaniniwalaang mga peke, ang police under cover agent.
Nang magkapalitan na ang dalawang panig ay dumating na ang arresting team at inaresto ang suspek.
Nang kapkapan si Carlos ay may nakuha pa umanong walong bungkos o bundle ng pekeng pera na Iraqi currency sa kanyang pag-iingat.
Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa Forgeries article 168 o Illegal Possession and Use of False Treasury or Bank Notes. Ver Sta. Ana
Lalaki, timbog sa pekeng pera
Source: Filipino Pinoys
Lalaki
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
timbog sa pekeng pera
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento