2 crew patay sa suffocation – PCG
2 crew patay sa suffocation – PCG

Manila, Philippines – Patay ang dalawa sa apat na tripulante matapos ma-suffocate sa loob ng shaft room ng kanilang barko.
Ayon sa PCG, kinilala ang dalawang nasawi na sina Remil Sanico at Renato Sanico na kapwa crew ng MV Lady of Good Voyage.
Napag-alaman na patungong Cebu City ang barko nang masira ang propeller shaft ng barko dahilan para pasukin ng tubig dagat.
Pumasok ang nasabing mga crew sa shaft room upang bombahin ang tubig na naging dahilan kaya sila na-suffocate.
Agad namang rumisponde ang coast guard District Southwestern Mindanao makaraang matanggap ang ulat at dinala ang mga tripulante sa malapit na ospital subalit sina Remil at Renato ay hindi pinalad na makaligtas mastapos bawian ng buhay.
Ang dalawa pang tripulante na sina Chief Engineer Anthony Napoles at Third Engineer Jerson Capuno ay patuloy na ginagamot sa ospital.
Nakipagpulong na ang Maritime sa may-ari ng barko upang talakayin ang insidente at para sa agarang aksyon na kailangan upang suportahan ang mga nakaligtas at mga naulila ng mga nasawi. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)
2 crew patay sa suffocation – PCG
Source: Filipino Pinoys
2 crew patay sa suffocation – PCG
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento