‘Substandard’ face shields dineliber sa DOH – Senate witness

Manila, Philippines – Iniulat na nagdedeliber ang Pharmally Pharmaceuticals Corporation ng “substandard” face shields sa Department of Health (DOH), batay sa isang witness sa Senate blue ribbon committee.

Sa patuloy na Senate probe, ipinresenta ni Senator Risa Hontiveros ang video ng Pharmally employee na nagsabing inatasan sila na i-tamper ang mga sertipiko ng face shields.

“Yung mga nakalagay dun sa certificate niya, production date po is year 2020 pa. Then, ang pinapagawa sa amin is palitan po siya ng certificate na updated this year,” saad ng empleyado.

Isang nagngangalang Krizle Grace Mago ang nag-utos ng naturang aktibidad.

Si Mago ay isa sa Pharmally na nanguna sa deliveries ng pandemic goods na binili ng gobyerno.

“Kahit po yupi-yupi yung mga face shield, yupi-yupi na yung mga boxes, kahit po may mga dumi, pinapa-repack pa rin po sa amin nina ma’am … although substandard po…kahit naninilaw, kahit basa-basa na po, yung iba po dun, nababasa gawa po ng tulo sa warehouse.”

“Nakalagay po doon, Department of Health, so idea po namin is sa DOH po. Pero sinabi din naman po sa amin nina Ma’am na order po sya ng DOH from Pharmally.”

Sinabi pang nai-pack ang face shield mula Agosto hanggang Setyembre 2021. RNT/FGDC



‘Substandard’ face shields dineliber sa DOH – Senate witness
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento