Philippines news
PRC nagsalita sa isyu ng audit

Manila, Philippines – Naglabas ng pahayag ang Philippine Red Cross (PRC) kaugnay sa isyu ng audit.
Ayon sa PRC, tulad nang naunang pahayag ng humanitarian organization, sila ay tumatanggap ng mga donasyon mula sa ahensya ng gobyerno sa Pilipinas.
Tapat na sinabi ng PRC ang paggamit ng nasabing pondo alinsunod sa mga likidasyon ng mga ahensya ng donor at kinakailangan pag-uulat o reportorial requirements.
Ang mga ahensya ng gobyerno na ito, ay napapailalim sa taunang pag-audit ng Commission on Audit ayon pa sa PRC.
“To date, there has not been any adverse finding on any transaction whereby government funds were given to the Philippine Red Cross.”
Ang inilabas napahayag ng PRC sa kabuuan ay kasunod ng pahayag ng Pangulong Rodrigo Duterte na may karapatan ang gobyerno na i-audit ang PRC dahil tumatanggap ito ng donasyon mula sa gobyerno. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)
PRC nagsalita sa isyu ng audit
Source: Filipino Pinoys
Philippines news
Pinoy Trending
politics
PRC nagsalita sa isyu ng audit
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento