Kontrata ng Pharmally, 9 beses na mas malaki sa OVP 2021 budget – Robredo

Manila, Philippines – Iginiit ni Vice President Leni Robredo na ang P8.68 bilyong kotrata ng gobyerno sa kontrobersyal na Pharmally Pharmaceutical firm [ara sa medical supply ay siyam na beses na mas mataas sa badyet ng Office the of the Vice President para sa 2021.

Sa 2021, ang budget ng OVP ay nasa P908.79 milyon na ginamit para sa COVID-19 response.

“‘Yung pag-award ng kontrata ang nakagugulat. Ang pinakamalaki … halos nine times ng budget ng buong Office of the Vice President,” ani Robredo.

“Tapos lumabas na initial lang pala ‘yun. Mayroong dumadagdag na lampas P2 billion ngayong taon.”

“Ano pa ba ang mas lalala na lumalabas na grabe ‘yung corruption na nagkakamatayan yung mga tao. Bakit ganito? Ang daming nagugutom, ang daming nawawalan ng trabaho, tapos pagkakakitaan ninyo,” punto pa ni Robredo. RNT/FGDC



Kontrata ng Pharmally, 9 beses na mas malaki sa OVP 2021 budget – Robredo
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento