iniaalok nang libre ng Maynila sa mga nangangailangan
Remdesivir at Tocilizumab, iniaalok nang libre ng Maynila sa mga nangangailangan

Manila – Nanawagan si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso sa publiko partikular na sa mga Manilenyo na sakaling may mahal sila sa buhay na mangailangan ng mamahaling gamot na maaaring makapagligtas sa nakararanas ng “severe and critical conditions” ng COVID-19, ay may makukuha silang libre sa Lungsod ng Maynila.
Ayon kay Domagoso, ang Remdesivir at Tocilizumab na parehong mamahalin at mahirap bilhin ay iniaalok ng libre ng pamahalaang lungsod para sa mga pasyenteng mangangailangan nito.
“Mahirap po ang magkasakit sa panahon ngayon, ngunit mas masakit ang makitang nahihirapan ang mahal natin sa buhay dulot ng COVID-19,” ani Domagoso.
“Para sa mahirap, middle class, mayaman, nasa public o private hospital, hangga’t kaya naming kayong abutin, kayo ay aabutin naming,” dagdag pa ni Yorme.
Ayon sa Alkalde, makipag-uganyan lamang ang mga nais makakuha ng mga nasabing gamot sa Manila Health Department at hanapin si Dr. Ed Santos. JAY Reyes
Remdesivir at Tocilizumab, iniaalok nang libre ng Maynila sa mga nangangailangan
Source: Filipino Pinoys
iniaalok nang libre ng Maynila sa mga nangangailangan
Philippines news
Pinoy Trending
politics
Remdesivir at Tocilizumab
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento