Philippines news
PRC sa fully vaxxed: Mag-donate ng dugo

Manila, Philippines – Hinimok ng Philippine Red Cross (PRC) ang publiko na mag-donate ng kanilang dugo pagkatapos magpabakuna kontra COVID-19.
Ayon kay Chairman and CEO Senator Dick Gordon, lahat ng bakuna na available ngayon sa bansa ay ligtas kaya hinihikayat ang publiko na karapat-dapat na blood donors na magdonate ng kanilang dugo kung walang nararanasang mga simtomas ng virus
Aniya, hindi tumitigil ang pangangailangan ng dugo kayan naman inaabisuhan ang publiko na maging blood donors at magdonate sa huamnitarian organization.
Sa iba pang vaccine-related symptoms gaya ng lagnat, pangingig, rashes, generalized muscle ache o joint pain, swelling lymph nodes, at iba pang systemic symptoms, kailangang 14 na araw pagkatapos ng kanilang simtomas bago maaring makapag-donate ng kanilang dugo.
Sa mga nais mag-donate ng dugo,maaring tumawag sa PRC 143 hotlines o (+632) 8790-2300. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)
PRC sa fully vaxxed: Mag-donate ng dugo
Source: Filipino Pinoys
Philippines news
Pinoy Trending
politics
PRC sa fully vaxxed: Mag-donate ng dugo
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento