4.6M indibidwal sa Calabarzon bakunado na vs. COVID
4.6M indibidwal sa Calabarzon bakunado na vs. COVID

Manila, Philippines – Inanunsyo ng Department of Health (DOH)-CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal and Quezon) na umabot na sa kabuuang 4,660,770 indibidwa mula sa priority groups A1 hanggang A5 ang nabakunahan na hanggang nitong Setyembre 1, 2021.
Mula sa priority groups, A1 (frontline health workers) group nasa kabuuang 279,341 indibidwal na nakatanggap pa lamang ng first dose at 193,979 na ang fully immunized; nasa 550,473 naman sa A2 (senior citizen) ang naka first dose pa lamang at 604,371 nakakumpleto na ng bakuna; A3 (persons with co-morbidities) na may 625,120 partially vaccinated at 612,297 fully immunized; A3 (frontliners in essential sector) ay 1,151,122 ang nakatanggap ng first dose at 320,232 fully immunized; A5 (indigent population) na nasa 282,128 ang partially vaccinated; at 41,707 fully vaccinated.
Sinabi ni Regional Director Eduardo C. Janairo na ang kabuuang bilang ng nabakunahang indibidwal 1,772,586 target recipients ang nakakumpleto na ng bakuna.
“Tuloy-tuloy lang po ang ginagawang pagbabakuna sa mga priority groups, katulong ang ating mga lokal na pamahalaan upang makapagbigay ng karagdagang proteksiyon laban sa Covid virus at makamit natin ang 70% herd immunity rate bago matapos ang taon.”
“The region has a total allocation of 6,236,106 vaccine distributed in 564 vaccination sites strategically located in various provinces. For those who haven’t receive their vaccine yet, register at your nearest local government unit to be included in the list of priority recipients. Mas mabuting ng magkaroon ng proteksyon laban sa Covid kaysa wala at magkasakit ng malubha at maaring ikamatay kapag nahawaan na nito,” diin ni Janairo.
Idinagdag ni Janairo na ang pagkonsumo ng bakuna para sa rehiyon ay nasa 75% o isang kabuuang 6,236,106 ang nagamit.
Ang Cavite ang nanguna sa mga probinsya na may maraming kaso na umabot sa 80,979; sinundan ng Laguna na may 65,610 kaso; Rizal na may 48,517; Batangas na nakapagtala ng 44,258 kaso; at 15,235 sa Quezon habang 3,983 sa Lucena City .
Patuloy ang tanggapan ng rehiyon upang magsagawa ng massive RT-PCR testing sa iba`t ibang mga lalawigan upang matukoy at mapigilan ang community transmission ng COVID virus. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)
4.6M indibidwal sa Calabarzon bakunado na vs. COVID
Source: Filipino Pinoys
4.6M indibidwal sa Calabarzon bakunado na vs. COVID
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento