52 pang pagyanig sa Taal
52 pang pagyanig sa Taal, naitala

MANILA, Philippines – Aabot sa 52 volcanic earthquake ang naitala sa bulkang Taal sa panibagong pag-aalboroto nito sa nakalipas na 24 oras iniulat kanina Agosto 31, 2021 (Martes) ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Ayon sa Phivolcs bukod sa pagyanig naitala rin ang pagbuga ng mainit na volcanic fluids sa lawa ng bulkan na may taas na dalawang libong metro.
Sinabi pa ng Phivolcs na patuloy na nakataas sa alert level 2 ang paligid ng bulkan at pinaalalahanan ang publiko sa banta ng volcanic earthquakes, mahinang pagbuga ng abo at volcanic gas.
Kaugnay nito inirerekomenda rin ng Phivolcs ang pagbabawal sa pagpasok sa Permanent Danger Zone ng bulkan lalo na malapit sa bunganga ng bulkan dahil sa banta ng pagsabog .
Pinaalalahanan rin ng ahensya ang local government official sa naturang lugar na patuloy na i-assess ang sitwasyon at maging handa na ilikas ang mga residente na na naninirahan sa barangay malapit sa bulkang Taal sa sandaling lumala ang pag-aalboroto ng bulkan.
Samantala nagbabala ang Phivolcs sa Civil Aviation Authorities na payuhan ang kanilang mga piloto na iwasan munang magpalipad ng eroplano malapit sa bulkan dahil sa banta ng pagsabog nito. Santi Celario
52 pang pagyanig sa Taal, naitala
Source: Filipino Pinoys
52 pang pagyanig sa Taal
naitala
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento