3M dose ng Sinovac dumating na sa bansa
3M dose ng Sinovac dumating na sa bansa

MANILA, Philippines – Dumating na sa bansa ngayong Martes, Agosto 31 ang tatlong milyong karagdagang COVID-19 vaccine doses na binili ng pamahalaan mula sa Sinovac.
Pasado alas-sais ng gabi lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 ang Philippine Airlines flight PR 359 lulan ang mga bakuna.
Dahil dito ay umakyat na sa 51.9 milyong doses ang kabuuang bilang ng mga bakunang naihatid sa bansa simula noong Marso.
Ipadadala ito sa mga probinsya na siya namang pagtutuunan ng pamahalaan sa masinsinang vaccination program.
“Ibibigay natin ito sa mga probinsya, lalo na sa Cavite, Laguna at mga tinatamaan na malalaki,” sinabi ni vaccine czar Sec. Carlito Galvez, Jr.
“Ang Metro Manila, baka ang ibibigay lang natin, konti lang, pang-second dose nila,” dagdag pa niya.
Higit sa kalahati ng suplay ng bakuna sa bansa na dumating ay COVID-vaccine na nagmula sa bansang China. RNT/JC
3M dose ng Sinovac dumating na sa bansa
Source: Filipino Pinoys
3M dose ng Sinovac dumating na sa bansa
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento