20,019 bagong kaso ng COVID-19 naitala, 173 bagong nasawi

MANILA, Philippines – Nananatiling nasa mahigit 20 libo ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ito na ang ikatlong magkakasunod na araw na nakapagtala ng pinakamataas na bilang kung saan ngayong araw ay umabot sa 20,019 ang bagong kaso ng COVID-19.

Dahil dito ang kabuuang tinatamaan na ng naturang sakit sa Pilipinas ay pumalo na sa kabuuang 2,080,984.

Mataas din ang naitalang bagong gumaling na nasa 20,089. Sa kabuuan nasa 1,889,312 na ang COVID-19 related recoveries.

Habang ang pumanaw ay nakapagtala ng 173 karagdagan ngayong araw dahilan para umabot na sa 34,234 ang total COVID related deaths.

Sa aktibong kaso, umakyat na sa 157,438.

Lahat ng laboratoryo ay operational noong Setyembre 3 ngunit lima sa mga laboratoryo ang hindi nakapagsumite ng kanilang datos sa COVID-19 Document Repository System. Jocelyn Tabangcura-Domenden



20,019 bagong kaso ng COVID-19 naitala, 173 bagong nasawi
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento