Mayabang, aroganteng pulis, walang puwang sa PRO-3 – De Leon

MANILA, Philippines – Walang puwang sa Region 3 ang mayabang, arogante, tamad, at abusadong pulis,
Ito ang paalala ni Philippine National Police Region 3 Director P/BGen Valeriano De Leon sa lahat ng miyembro ng PNP sa Central Luzon.
“Pag may nagsumbong na sibilyan at naapektuhan ng kayabangan o pagiging arogante o tamad, at abusado mo, asahan mo na paiimbestigahan kita,” babala pa ni Gen. de Leon.
Paliwanag niya, “halimbawa may humingi ng tulong sayo dahil may gulo sa kanilang lugar o biktima siya ng krimen at hindi mo inasikaso at pinababalik mo lang dahil pauwi ka na o tapos na duty mo, aba’y nilabag mo ang iyong sinumpaang tungkulin.”
“Dahil hindi mo sinunod ang motto natin na to protect and to serve…either suspendihin kita o sisibakin kita sa serbisyo depending on the gravity of your offense o may nangyaring masama sa complainant na hindi mo tinulungan,” ani de Leon.
Pahabol pa ng heneral, hindi lang ito applicable sa PNP Region 3 kundi maging sa lahat ng miyembro ng PNP. RNT
Mayabang, aroganteng pulis, walang puwang sa PRO-3 – De Leon
Source: Filipino Pinoys
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento