Tai Bundit nagbitiw sa national team

MANILA, Philippines – Tuluyan nang nagbitiw bilang assistant coach ng Philippine National Women’s Volleyball team si Anusorn ‘Tai’ Bundit.

Pero minaliit lang ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF) ang pagbibitiw nito at sinabing tinanggap na nila ang resignation ni Bundit na isinumite noong Linggo.

Ayon kay Tony Boy Liao, commissioner ng Premier Volleyball League (PVL) at namamahala sa national team at PNVF, nagpaalam umano sa kanya si Bundit na uuwi ng Thailand dahil nag-aalala umano ito sa kalagayan ng kanyang pamilya dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Matatandaang natalo ang Creamline na tinitimon ni Bundit sa Cherry Tigo sa finals ng PVL Open Conference na ginanap sa bubble set-up sa Ilocos Norte.Rico Navarro


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento