LAS VEGAS – Buo ang paniwala ng kampo ni Yordenis Ugas na wala na ang knockout power ni eight division world champion Manny Pacquiao base sa tala ng mga huling laban nito.
“Looking back it’s been a long time he (Pacquiao) KOed people,” ayon sa coach ni Ugas na si Ismael Salas.
Pinuri naman ni Salas ang hard-hitting Filipino at sinabing isa itong alamat at malaking inspirasyon sa mga papasikat na boksingero.
“So much respect,” wika nito patungkol kay Pacquiao.
Pero nilinaw ni Salas na nawawala na ang knockout punch na nagpabagsak sa 39 sa kanyang 62 na biktima.
“He’s been dropping people but never KO for a long time,” dagdag pa ng chief trainer ni Ugas.
Base sa record, nakagawa lang si Pacquiao ng isang knockout simula nang tanunin nito si Miguel Cotto noong 2009.
Huling pinabagsak ni Pacman si Lucas Matthysse ng Argentina sa 7th round sa Axiata Arena sa Kuala Lumpur.
Noong July 2019, pinabagsak ni Pacquiao si Keith Thurman gamit ang one-two combination sa opening round pero natapos ang laban via split decision.
Maging si Ugas ay naniniwala na nawala na ang lakas ni Pacquiao.
“I’m 100 percent certain he (Pacquiao) cannot knock me out. With me hitting my stride I don’t think he can knock me out,” paniniguro ni Ugas.Rico Navarro
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento