MANILA, Philippines – Verbal na pumayag na umano ang local government ng Pampanga para sa muling pagbabalik- laro ng PBA na gagawin sa probinsiya, ayon kay commissioner Willie Marcial.
Hinihintay na lamang umano ni Marcial ang formal letter of approval na manggagaling kay Governor Dennis Pineda bago sumailalim ang players, coaches at staff sa Covid-19 testing bilang paghahanda sa pagsisimulang muli ng ensayo at 2021 Philippine Cup games.
“May verbal [approval] na. Hinihintay lang natin ‘yung formal letter na approval. Pag um-okay ‘yun, magpapa-test na ang mga teams in a couple of days,” ani Marcial.
Ayon kay Marcial, magsisimula na ang ensayo sa susunod na linggo kapag nakuha na nila ang formal approval ng Pampanga government na ipapasa naman ng PBA sa Inter-Agency Task Force (IATF).
“Kung maaprubahan today or tomorrow, mag-aakyatan na sila sa Lunes o Martes para mag-ensayo tapos bibigyan natin ng one week to practice,” wika ni Marcial.
Tumanggi naman si Marcial na sabihin kung saan ang venue ng laro pero ayon sa source isa ang Don Honorio Ventura State University Gym sa Bacolor, Pampanga sa kinokonsiderang venues.
Itutuloy ang season sa ilalim ng semi-bubble set-up.Rico Navarro
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento