Tila mabubulilyaso ang nakatakdang pagtakbo ng mag-asawang Ormoc City Mayor Richard Gomez at Rep. Lucy Torres Gomez dahil lang sa pinakahuling audit ng Commission on Audit (COA) report kaugnay sa P271.8 milyong transaskyon nito lamang nakaraang taon.
Ang tinutukoy natin ay ang 2020 COA audit report ay ‘yung pagbili nito ng dalawa ng kabuuang 6.29 toneladang bigas para sa mga residente ng nasabing lungsod noong mga buwan ng Marso, Abril, Hunyo, Hulyo at Agosto kung saan lumalabas na 1.63 tonelada rito ang walang kaukulang patunay na naipamahagi.
Para sa Marso 2020, ayon sa source ,bumili ang pamahalaang lungsod ng Ormoc ng hindi bababa sa 2,000 sako ng bigas mula sa National Food Authority sa halagang P2.5M.
Nu’ng sumunod na buwan, dalawang ulit pang bumili ang Ormoc LGU ng 62,500 sako ng bigas mula sa Pito Enterprises sa halagang P137.5M mula sa 20% development fund ng nasabing lungsod.
Sa buwan naman ng Hunyo, may dalawa pang transaksyon ang pinasok ng Ormoc City Government sa Pito Enterprises para naman sa pagbili ng 45,000 sako ng bigas sa halagang P96.75M mula sa Bayanihan funds.
Hindi nagtagal, nasundan pa ito ng dalawang ulit sa mga buwan Hulyo at Agosto nang muling umorder ang Ormoc LGU na naman ng 16,300 sako ng bigas muli sa Pito Enterprises, sa halagang P35.04M gamit naman ang kanilang general funds.
So there you are, lumalabas na mas mahal ng P1,000 kada sako ng bigas ang pagkakabili ng Ormoc LGU mula sa nag-iisang rice supplier kung saan sila bumili ng may kabuuang 123,800 sako.
Ayon po sa source natin, hindi rin anila bahagi ng mga isinumiteng dokumento ng Ormoc City government ang mga kaukulang dokumento para sa pinagbayaran nito katumbas ng 1,526 na sako ng bigas.
Una nang sinabi ni Ormoc City Mayor Richard Gomez na nagpamahagi sila ng tig-iisang sako ng bigas sa bawat pamilya ng kanyang lungsod pero lumalabas sa 2020 census na ang Ormoc City ay mayroon lamang 230,998 populasyon o ang katumbas na 46,200 pamilya.
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento