Malakas na ulan, lumang drainage system; nagsanib pwersa sa pagbitak ng Topaz – MGB

MANILA, Philippines – Malaki umano ang posibilidad na dulot ng malakas na ulan at lumang drainage system ang pagkakaroon ng bitak sa Topaz Road, Ortigas Center, Pasig City.

Ito ang sinabi ng Mines and Geosciences Bureau matapos na magsagawa ng inspeksyon sa lugar noong Martes, Agosto 24.

“Sa tingin ko wala nang iba (In my opinion, there is no other cause). It’s the heavy rainfall, the pressure from the rain [that caused the cracks],” ayon kay Liza Manzano, supervising science research analyst ng MGB.

Dahil dito ay siniguro nilang hindi na ito magdudulot ng banta sa kaligtasan ng mga gusaling nakapalibot dito, pero kailangan pa rin umanong bantayan.

“Ang nangyayari, ‘yung mga sandy materials na mahina, ‘yun ‘yung wina-wash out ng tubig. That’s a natural thing, pwedeng mangyari. But pwede rin, kung meron kang mga pipes sa ilalim, na through time nag-deteriorate, nag-leak at magbu-burst,” dagdag pa ni Manzano.

Maglalabas naman ng kumpletong rekomendasyon ang MGB sa resulta ng kanilang pagsusuri sa mga susunod na araw. RNT/JC


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento